Categories
Personal

Post 76: Sana

May tatlong bagay akong naisip nang maalala ko ang salitang “sana.”

Nang maalala ko ang salitang sana, may naisip akong tatlong bagay. Ito ang mga ‘yon:


Sana maging mas maunawain at mas bukas ang isip ng ibang tao pagdating sa mental health. Maraming tao ang nahihirapan dahil sa mga karamdaman sa isip, at hindi namin kailangan ng mas mabigat na kalbaryo.


Sana mas maayos ang pakiramdam ko bago ang bakasyon namin ng pamilya ko sa susunod na buwan. Oo, masaya ako na aalis kaming magkakapamilya sa ibang bansa, pero may mga bumabagabag pa rin sa isip ko. Ayoko naman na pagdating namin doon sa bansang ‘yon, nakasimangot ako.


At ito ang pinakamahalaga kong sana…

Sana makita ko siya ulit. Masayang-masaya ako kapag nakakausap ko siya, kahit online. At ilang beses ko nang ipinagdasal na makita ko siya ulit. Hindi ko alam kung magkikita kami bago matapos ang taon na ‘to, pero sana mangyari ‘yon. Sana talaga.

Leave a Reply