Categories
Personal

Post 59: Ulap

Bumuti ang pakiramdam ko ngayon, katulad ng kaulapan.

Maulap ang panahon ngayong araw, kaya hindi ganoon kainit noong bumili ako ng mga kailangan kong bilhin. Buti na lang. (Nabanggit ko nang ilang beses dito sa blog na ayoko talaga ng mainit na panahon.)

Puwede kong ikumpara sa kaulapan ang nararamdaman ko ngayon. Maliwanag at maayos ang kalooban ko, pero may mga parte na nanghaharang sa liwanag na ‘yon. At kung ikukumpara ko ang Mayo at Hunyo sa Hulyo, mas mabuti na ‘yon kaysa sa purong dilim. Nagpapasalamat ako sa Diyos, sa mga mahal ko sa buhay, sa mga libangan at sa mga nakagawian ko dahil kung hindi sa kanila, hindi magiging maayos ang pakiramdam ko.

Pero kailangan ko pa ring maghanda kasi darating ang mga buwan na mas malala ang pag-ulan, at kailangan kong maging matatag ang loob ko kahit masaya ako, malungkot ako… o pareho, katulad ng kaulapan.

Leave a comment