Tag-ulan nga, pero ‘pag hindi umuulan, ang init.
Kahapon, noong tanghalian, kailangan kong sumaglit sa pinakamalapit na supermarket at bumili ng shaving cream at sabon. Kahit nakapayong ako papunta doon, hindi ako nakaligtas sa init ng panahon. Grabe. Naligo ako sa pawis! Pagkauwi ko, ginamit ko yung binili kong sabon at naligo agad. Hay. Nakakaginhawa talaga ang pagligo gamit ang malamig na tubig sa ganitong panahon.
Nag-iinit din ang ulo ko dahil sa mga problemang wala pang solusyon sa ngayon… o kailanman. Ewan. At yung mas nakakabwisit din na kahit pag-usapan ko ‘yon o hindi, wala ring mangyayari. Ano na ngayon?
Bwisit na bwisit ako. Gusto kong manapak ng hangin at unan! Pero mukhang mas okay pang uminom na lang ako ng malamig na Coke Zero para lumamig din ang init ng ulo ko. Mahirap kung tumagal itong galit ko.
Header image courtesy of Alexis Ricardo Alaurin.