Bakit ganun?
Kahit may mga dahilan ako para maging masaya, nangingibabaw pa rin ang lungkot? May mali ba sa akin?
Bakit ganun?
Kahit anong pagsisikap ko, hindi pa rin sapat?
Bakit ganun?
Yung pinapakita kong halaga sa iba, hindi bumabalik sa akin?
Bakit ganun?
Sige. Kung hindi nila kayang ibalik sa akin ang halaga, bakit hindi man lang nila kilalanin ‘yun?
Bakit ganun?
Bihira akong manghingi ng tulong, pero ‘pag nagkaroon na ako ng lakas ng loob, hindi man lang ako pinapakinggan?
Bakit ganun?
Hindi ako nanghihingi ng payo, pero pinipilit pa rin ng iba ang hindi ko hinihingi sa una pa lang?
Bakit ganun?
Hindi ba ako karapat-dapat pakinggan man lang? Hindi ba ako mahalaga?
Bakit ganun? Bakit?