Categories
Personal

Post 67: Sira

Sira na lang laptop ko.

Pagkatapos ng ilang taon, nasira na ang laptop ko.

Luma na rin ‘yon, pero sa totoo lang, mas kinabahan ako sa mga files ko. Akala ko nawala na ang lahat na ‘yon. Buti na lang at nasalba ko lahat at pinagpahinga ko na ang kasangga sa trabaho at sa paggawa ng content. Hiniram ko muna ang laptop ng mom ko para makapagtrabaho kahit sandali.

Dahil wala akong sariling laptop sa ngayon, wala akong dahilan para umupo sa workstation ko buong maghapon at parang gumaan ang kalooban ko. Nasulat ko ang post na ‘to sa phone ko, nagtrabaho nang ilang oras, tapos ayos na! Mas simple ang stress kaysa sa nakasanayan ko.

Pero dahil may trabaho pa rin ako, kailangan ko pa rin ng laptop para makapagtrabaho at makagawa ng content. Sa katunayan, kailangan ko ng mas magandang laptop para sa mga pangangailangan ko. 16 GB RAM, mga ganoong specs. Sana makabili ako sa lalong madaling panahon.

Leave a comment