Huminga nang dahan-dahan at malalim, Ian. Maayos naman ang araw mo, tapos biglang may nagpapaalala sa ‘yo ng malungkot na nakaraan. Nakakagulat, ‘di ba? Sandal ka sa pader at huminga nang dahan-dahan. Nakalipas na ‘yon. Hindi ‘yon ang kasalukuyan.
Huminga nang dahan-dahan at malalim, Ian. Hindi lahat ng araw ay magiging masaya, pero hindi lahat ay magiging malungkot. Pakiramdaman mo kung ano ang damdamin mo, pero ‘wag mong hayaang kontrolin ka nito.
Huminga nang dahan-dahan at malalim, Ian. Magbabakasyon ka sa susunod na buwan kasama ang iyong pamilya. Hinga. Minsan ka lang magbakasyon. Kapit ka lang, malapit na ‘yon.
Huminga nang dahan-dahan at malalim, Ian. Walang kuwenta ang nawala mo noong nakaraang linggo. Resibo lang ‘yon, hindi pera.
Huminga nang dahan-dahan at malalim, Ian. Kahit hindi mo siya makikita ngayong taon, magagawa mo pa rin ang paraan para pasiyahin siya. Tandaan ang kasabihan: “Kapag gusto, maraming paraan. Kapag ayaw, maraming dahilan.”
Huminga nang dahan-dahan at malalim, Ian. Magiging maayos ang lahat. Kapit ka lang. Kaya mo ‘yan.
Salamat kay Michael Olsen sa header image.